Monday, July 26, 2010

Sa Bawa’t Sandali


Sa bawa’t sandali  na tayo’y magkasama
Ligaya, ang aking nadarama.
Ngunit, sa oras ng ating saglit na pagwalay,
Dala'y  matinding paglulumbay.
Ang iyong  mga ala ala,
Sa labi ko'y, ngiti ang dala.
Sa bawa't saglit na dumaan,
Saksi ko man, ang buwan.
Na, sa iyong pagbabalik,
Ako’y lihim na nasasabik.
Sa bawa’t araw na lumipas,
Ang dalangin ko’y, wagas.
Di ko man sabihin,
Ang  totoong laman ng aking damdamin,
Na tanging ikaw lang,
Ang nakakapagpuno, ng lahat ng kulang.


written by jigs on July 26, 2010, 9:16 AM, Philippines

No comments: